Mabilis na lumusot sa plenaryo ang panukalang budget ng Presidential Communications Office (PCO) sa pangunguna ni PCO acting Secretary Cesar Chavez.
Nasa higit dalawang minuto lang ang itinagal ng deliberasyon sa panukalang P2.2 billion budget nito sa pangunguna ng budget sponsor na si Appropriations Vice-Chair Jil Bongalon.
Aniya, bilang nangungunang communications arm ng pamahalaan mahalaga ang papel ng PCO para ipaabot ang iba’t ibang impormasyon mula sa gobyerno patungo sa taumbayan.
Sa naturang halaga, P713.316 million ang para sa PCO proper; P256.561 million naman ang ilalaan sa Radio Television Malacañang (RTVM); PHP439.639 million ang para sa Philippine Information Agency (PIA); P146.897 million naman ang para sa News and Information Bureau (NIB); P21.989 million sa National Printing Office (NPO); paglalaanan naman ng P79.889 million ang Bureau of Communications Services (BCS); P492.389 million ang para sa Philippine Broadcasting Service (PBS); at may P215.257 million naman na subsidiya para sa People’s Television Network o PTV 4.
Kabilang sa dumalo ang bagong talagang Director General ng PBS na si DG Dindo Amparo. | ulat ni Kathleen Forbes