Kayang makamit ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang 3.236 million units na pabahay hanggang 2028 kung maaprubahan ngayong taon ang panukalang “Sovereign Guarantee.”
Sinabi ni DHSUD budget sponsor at Navotas Representative Toby Tianco na kung pormal na maaprubahan ang “Sovereign Guarantee” magagawa ng DHSUD na isulong ang target na mabawasan ang housing “baclog” ng bansa na ngayon ay nasa anim na million hanggang 2028.
Depensa ni Tiangco sa interpelasyon ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro, hangarin ng kagawaran na maisagawa ang “catch-up plan” sa six million housing units na unang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaya kailangan ang naturang hakbang upang maisagawa ng National Housing Authority (NHA) at Social Housing Finance Corporation ang kanilang mga proyekto.
Ang pag-iisyu ng “Sovereign Guarantee” ay manggagaling sa Department of Finance (DOF) na nagkakahalaga ng ₱4.78-trillion pesos at ibibigay sa apat na tranches.
Sa ngayon aniya, patuloy ang koordinasyon ng DOF, Department of Budget and Management (DBM), at National Economic and Development Authority (NEDA) upang tiyakin na maresolba ang housing backlog sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes