Inanunsyo ng Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu ang panuntunan sa pagdadamit ng mga pilgrim at turista na papasok sa basilica compound.
Ayon sa advisory, simula Oktubre 1, 2024 ay mahigpit nang ipatutupad ang dress code kung saan bawal ang sleeveless, plunging neckline, crop top, short skirts, shorts, ripped o tattered pants, sumbrero at iba pang hindi naaangkop na kasootan sa loob ng simbahan.
Dagdag abiso din ng basilica na simula Oktubre ay hindi na sila magpapahiram ng shawl sa mga nagsusuot ng hindi angkop na kasootan at hindi na ito papapasukin hanggang hindi nagpapalit ng naaayon sa dress code.
Humihingi ng pang-uunawa ang tagapamahala ng basilica sa Cebu dahil nais lamang anila na mapanatili ang pagiging sagrado ng lugar.
Bagaman bukas pa rin ito sa mga non-Catholics, nais ng Order of Saint Augustine (OSA) na bigyang diin ang angkop na kasootan at decorum sa loob ng sinasabing sentro ng Kristiyanismo at Katolisismo sa bansa.| ulat ni Jessa Agua-Ylanan| RP1 Cebu