Binuksan na ng tanggapan ng Bise Alkalde ng Lungsod Quezon ang pagtanggap ng mga entry para sa “Christmas Parol Making Contest” ngayong taon.
Ang paglulunsad ng “Kumukutitap 4: Maningning na Pasko ng Pamilyang Pinoy” ay inisyatiba ng Vice Mayors Office at ETON Centris at ETON Properties Philippines Inc.
Ayon kay QC Vice Mayor Gian Sotto, kahit sino ay pwedeng lumahok bastat residente ng lungsod.
Kailangang umaayon sa tema ang disenyo ng parol at dapat gawa sa 80% hanggang 100% na recycled materials.
Hanggang Nobyembre 8, 2024 lamang ang deadline ng submission nito sa tanggapan ng Bise Alkalde.
May malaking pa premyo ang naghihintay para sa mananalong parol makers at sa barangay mula sa ETON at Office of the Vice Mayor ng Lungsod.| ulat ni Rey Ferrer