Ikinatuwa ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino na kumikita na ang OFW Hospital na itinatag sa Pampanga mula nang ito ay buksan noong May 2022.
Sa pagtalakay ng panukalang pondo ng Department of Migrant Workers (DMW), isa sa natanong ni Magsino ay kung mayroon na ba itong maituturing na income mula sa operations nito.
Tugon ni House Appropriations Vice-Chair Jill Bongalon, Budget sponsor ng DMW, mula noong January hanggang December of 2023, ay kumita na ito ng ₱58,524,000.
Habang ngayong 2024, hanggang nitong Hulyo, ay nakapagtala ito ng ₱41,328,315.12 na kita.
Tinukoy naman niya na payors ang PhilHealth, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH), at Office of the President.
Malaking bagay ani Magsino na kumikita na ngayon ang OFW na magagamot sa operations nito upang mapagsilbihan pa ang mga OFW at kanilang dependents. | ulat ni Kathleen Jean Forbes