Party-list solon, pinamamadali ang pamamahagi ng National ID ng mga senior citizen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ngayon ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes na maibibigay pa rin ang National IDs ng mga senior citizen matapos kanselahin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata ng ID supplier para sa Philsys.

Giit niya marami pa ring mga lolo at lola ang hindi pa natatanggap ang kanilang physical National ID.

Nangamgamba rin ang mambabatas na makompromiso ang mga datos na hawak ng binitiwang contractor.

Giit niya, kahit nakansela na ang kontrata, dapat ay tiyakin ng Philippine Statistics Authority, Bangko Sentral ng Pilipinas, at iba pang PhilSys ID implementing agencies na maibigay na ang pisikal at electronic national ID ng mga senior citizen.

Kinansela ng BSP ang kontrata nito sa supplier ng National ID card dahil sa pagkabigo umano na kumpletuhin ang raw materials para sa national ID cards kahit binigyan na ng palugit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us