Nanawagan si Pinuno Partylist Rep. Howard Guintu sa Department of Transportation and Railways na bigyang prioridad ang rehabilitasyon ng Old Roxas Airport at Culasi Port sa Capiz City.
Sa isinagawang pagdining sa 2025 budget ng DOTr, umaasa si Guintu na maging Batangas Port din ang kanilang pantalan sa Capiz upang bigyan daan ang economic growth ang opportunity sa kanyang probinsya.
Maging aniya ang kanilang airport ang “old” Roxas Airport ay kailangan nang ayusin upang maging kaaya-aya sa mga turistang bibisita sa lugar.
Nangako naman ang DOTr sa pamamagitan ng CAAP na makakatanggap ang Roxas airport ng funding para sa rehabilitasyon at improvement ng gateway ng probinsya at ito ay sisimulan na susunod na taon.
Nangako rin ang Philippine Ports Authority (PPA) na may alokasyon nang pondo para sa port expansion improvement ng passenger terminal.
Ayon ka Guinto, malaki ang maitutulong nito para sa pag-unlad ng buhay ng mga taga-Capiz. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes