Inihain ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panukalang batas para payagan ang retroactive pay hikes sa mga empleyado ng Local Government Units.
Ayon kay Yamusan dahil sa Republic Act 7160, o ang Local Government Code (LGC) na nagbabawal sa retroactivw na pagtaas ng sahod na ibinibigay sa mga empleyado ng LGU kaya dehado ang mg ito kumpara sa mga kawani ng gobierno sa national.
Sinabi ni Yamsuan na kinumpirma mismo ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na kailangan amyendahan ang LGC upang magkaroon ng parehong benepisyo ang national at local government workers.
Sa ilalim ng House Bill 10865, aalisin ang paghihigpit sa ilalim ng LGC sa retroactive na pagtataas o pagsasaayos ng sweldo.
Diin ng mambabatas, upang maging patas gaya ng nakasaad sa Saligang Batas, karapatdapat na tamasahin ang parehong benepisyo ng pagtanggap ng retroactive pay increase na pinagutos ni gobierno.
Umaasa ang Bicolano Solon na susuportahan ng kanyang mga kapwa mambabatas ang kakbang uoang matiyak na ang pagtaas ng suweldo sa ilalim ng EO64 ay mailalapat din sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan. | ulat ni Melany Reyes