Dismayado si OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar Magsino sa malaking bawas sa pondo ng Department of Migrant Workers para sa taong 2025.
Sa kanyang interpelasyon sa ginawang budget deliberation ng DMW, sinabi niyo na nakakalungkot ang P5.09-B na appropriations ng kagawaran sa kabila ng tumataas na bilang ng mga OFWs na deployed sa ibayong dagat.
Ibinahagi rin ng kongresista ang kanyang pangamba na ang budget cut ay makakaapekto sa serbisyo at proyekto ng DMW, kabilang ang pagtatayo ng Migrant Workers Office o MWO sa mga foreign post na matagal nang walang representasyon ng mga OFW.
Umaasa ang lady solon na susuportahan ng kanyang mga kapwa mambabatas ang panawagan niyang madagdagan ang pondo ng ahensya. | ulat ni Melany Reyes