Pasasalamat ng Pangulo, ipinaabot ni Gen. Marbil sa lahat ng pulis na kasama sa KOJC operation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pasasalamat ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng pulis na naging bahagi ng matagumpay na operasyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound para maaresto si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito’y nang personal na harapin ni Gen. Marbil ang mga tropa sa Police Regional Office 11 headquarters kahapon.

Ayon kay Gen. Marbil, nakausap niya sa text ang Pangulong Marcos, at bukod sa pagpapasalamat, nais ng Presidente na bigyan ng premyo ang mga pulis.

Sinabi naman ni Gen. Marbil na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang gagawa ng rekomendasyon ukol dito.

Binigyang-diin din ni Gen. Marbil na walang dahilan para mabahala ang mga pulis na kasama sa operasyon dahil ginawa nila ng tama ang kanilang tungkulin. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us