Inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang mga Pasayeño na naghahanap ng trabaho na makiisa sa HATID TRABAHO FAIR: Tungo sa bagong Pilipinas.
Ito ay gaganapin sa World Trade Center mula September 18 hanggang 20, 2024, alas-9 ng umaga.
Ang mga interesadong aplikante ay pinapayuhang magdala ng updated resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na damit para sa interview at maging Hired On-the-Spot.
Ang programang ito ay handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikiisa ni Pasay City, Mayor Calixto-Rubiano at Pamahalaang Lungsod Pasay. | ulat ni Lorenz Tanjoco