Isinantabi na ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang nauna nitong kautusan na pumipigil sa paglilipat kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula PNP Custodial Center patungo ng Pasig City Jail.
Sa ipinalabas na ikatlong kautusan ni Judge Annielyn Medes-Cabelis naging moot at naisantabi na ang naunang kautusan dahil sa nailipat na sa Pasig City Jail si Guo kaninang umaga.
Bunga nito, kinansela na rin ng hukuman ang nakatakda sanang pagdinig sa mosyon ng kampo ni Guo sa September 27.
Samantala, dahil sa negatibo sa lung infection si Guo base sa resulta ng saliva test ng Pasig City Jail, hindi na ilalagay sa isolated area ang dating alkalde.
Dahil dito makakasama na niya sa regular na selda ang 43 pang ibang persons deprived of liberty o PDLs.| ulat ni Diane Lear