Makikipagpulong ngayong araw ang Philippine National Police (PNP) at ang Department of Justice (DOJ).
Ito’y para talakayin ang nakatakdang pagbasa ng sakdal kay Pastor Apollo Quiboloy gayundin sa apat na kapwa akusado nito sa mga kasong Child at Sexual Abuse gayundin sa Qualified Human Trafficking.
Sa panayam kay Fajardo sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi nito na nakatakdang basahan ng sakdal sina Quiboloy at apat na iba pa sa mga korte ng Pasig at Quezon City sa Biyernes, September 12.
Gayunman, tatalakayin sa pulong ng PNP at DOJ kung paano ang magiging iskedyul dahil sabay ang arraignment ng dalawang korte sa mga akusado
Bagaman sinabi ng QC RTC na hindi nila inoobliga ang katawan ng mga akusado sa halip ay gagawin ito via video conferencing habang kailangang humarap naman ang mga ito sa Pasig RTC
Kasabay nito, ipinaliwanag ni Fajardo na ang hindi na pagharap nila Quiboloy sa mga naturang korte kahapon para isauli ang Warrant of Arrest laban sa kanila
Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na hindi inoobliga ng korte na humarap sa kanila ang isang akusado para isauli ang Warrant of Arrest at bahagi lamang ito ng normal na proseso. | ulat ni Jaymark Dagala