Sumalang sa prelimenary conference ang kasong Qualified Human Trafficking na isinampa laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito.
Alas-2 ng hapon isinagawa ng Pasig City Regional Trial Court branch 59 ang pagdinig sa kaso laban kay Quiboloy na kauna-unahan mula nang mabasahan ito ng sakdal.
Gayunman, una nang sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, sila lamang mga abogado ang pupunta physically sa korte habang dadalo si Quiboloy via video conference.
Nanananatili sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame si Quiboloy dahil sa high security risk nito habang nasa Pasig City Jail naman nakakulong ang mga kapwa niya akusado.| ulat ni Jaymark Dagala