Isa ng batas ang Magna Carta of Filipino Seafarers na inaasahang magbibigay proteksyon sa ating mga Pilipinong Marino.
Nilagdaan ng Pangulo ang RA 12021 na kung saan ay hindi lamang aniya tribute ito sa sakripisyo ng mga Marinong Pinoy kundi sa pamamagitan ng kalalagda lang na batas ay magkakaroon din ng boses ang ating mga seafarers.
Bukod sa mapagkalooban ng proteksyon ang mga Marinong Pinoy, sinabi ng Pangulo na mapangangalagaan din sila mula sa unfair labor practices habang tinitiyak din ng Magna Carta ang ligtas na working condition sa mga Pinoy seafarers.
Sa pamamagitan ng bagong batas, sinabi ng Pangulo na mapagkakalooban din ng kaukulang training o pagsasanay ang mga kinauukulan upang makasabay sa takbo ng international maritime industry.
Tinawag namang heroes of the modern world ng Pangulo ang Pinoy seafarers na bukod sa sakripisyong dinaranas nito sa pagiging malayo sa pamilya ay nahaharap din sa iba’t ibang panganib at occupational hazards. | ulat ni Alvin Balatazar