PCSO, nakakuha ng puwesto bilang miyembro ng Asia Pacific Lottery Association

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang karangalan para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagkakahalal ni General Manager Mel Robles bilang miyembro ng Executive Committee ng Asia Pacific Lottery Association (APLA).

Photo courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office

Ayon sa PCSO, nahalal si Robles sa ginanap na 2024 APLA Regional Conference sa Hanoi, Vietnam. Siya ang kauna-unahang Pilipino na naging bahagi ng Executive Committee ng APLA.

Sa isang panayam, nagpapasalamat si Robles sa pagkakahirang sa posisyon na nangangahulugan aniya na kinikilala at pinahahalagahan ng kaniyang mga kapwa lider sa gaming ang mga inisyatibo na ipinatutupad sa PCSO.

Photo courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office

Ang APLA ay isang samahan ng mga lottery operator at supplier sa Asia-Pacific region. Ito ang kumakatawan sa interes ng rehiyon sa larangan ng lotto at paglalaro. Ang mga bagong halal na opisyal ay magsisilbi sa loob ng dalawang taon hanggang sa susunod na Annual General Assembly (AGM) sa September 2026. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us