Nag-alay ng bulaklak ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, And Unity (OPAPRU) sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw, September 26 bilang bahagi ng selebrasyon ng 2024 National Peace Consciousness Month.
Pinangunahan ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito G. Galvez, Jr., ang nasabing aktibidad kung saan nagsagawa ito ng laying of the wreath sa mga libingan ng peace pioneers sa bansa.
Ang peace pioneers na binigyang pagkilala ni Galvez ay ang mga libingan nina dating COMELEC commissioner Haydee B. Yorac, dating pangulo Fidel V. Ramos, dating pangulo Ferdinand Marcos Sr.
Sa kaparehong araw din ay ginawaran ng bulaklak sina Ambassador Manuel T. Yan, Sr., dating pangulo Corazon C. Aquino at dating pangulo Benigno Aquino III sa Manila Memorial Park.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na bigyang respeto ang peace pioneers ng peace process sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanilang mga libingan.
Ito rin ayon sa OPAPRU ay pagbibigay karangalan sa mga peace pioneer dahol sa peacemaking, peacekeeping, at peacebuilding ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco