Mahigit 1,800 residente sa Bicol Region ang nakiisa sa National Housing Authority People’s Caravan na ginanap sa Barangay Anislag, Daraga, Albay.
Layunin ng Caravan na mailapit ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga pamilyang benepisyaryo ng mga pabahay ng NHA at mga kalapit na komunidad.
Ayon kay NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, bukod sa pabahay, nais ng ahensya na mabigyan ang mga pamilya ng bagong buhay.
Kasama sa Caravan ang Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Population and Development, Daraga Municipal Health Office, at Albay Provincial Health Office.
Nagkaloob din ng serbisyo ang Department of Labor and Employment (DOLE), Daraga Public Employment Service Office at Department of Migrant Workers (DMW) Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST) at marami iba pa ng ahensya ng pamahalaan.
Mula nang inilunsad noong 2023, naging matagumpay ang pagpapatupad ng NHA People’s Caravan sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa public at private sector. | ulat ni Rey Ferrer