Mahigit 3,000 benepisyaryo ang nakinabang sa inilunsad na People’s Caravan ng National Housing Authority sa University of Southern Mindanao-Kidapawan City, Campus, Cotabato.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, inilapit ng caravan ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno sa mga pamilyang nakatira sa resettlement sites ng ahensya at mga kalapit na komunidad nito.
May 34 government agencies at pribadong sektor ang lumahok sa programa at nagbigay ng kanilang serbisyo para sa mga benepisyaryo.
Kasama rin sa programa ng caravan ang iba’t ibang livelihood programs, skills enhancement at entrepreneurship training, business and capital consultancy, scholarship programs, Sustainable Livelihood Program (SLP) at iba pa.
Mula ng inilunsad noong Setyembre 2023, naging matagumpay ang pagpapatupad ng NHA People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-asa sa mga rehiyon/munisipalidad sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer