Aaralin pa ng House Quad Committee kung tutugon pa sila sa atas ng Korte Suprema na magkomento tungkol sa inihaing petition for certiorari at hiling na writ of habeas corpus ni Rogelio Baterna kaugnay sa pagpapa-contempt ng komite sa anak nitong si Ronelyn Baterna.
Si Baterna ang sinasabing corporate secretary ng Lucky South 99.
Ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, titingnan pa ng komite kung may pangangailangan pang maghain ng komento tungkol sa isyu.
Maituturing na kasi aniyang moot and academic ang petisyon dahil binawi na ng komite ang contempt order kay baterna at pinalaya na rin.
August 28 ay pinayagan nang makauwi ng quad comm si baterna. | ulat ni Kathleen Forbes