PH Navy, nagpasalamat sa France sa suporta sa West PH Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Philippine Navy sa France sa kanilang suporta sa Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang ipinaabot ni Phil. Navy Vice Commander, Rear Adm. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta kay Defense Attaché of France to the Philippines, Capt. Stephan Litzler, sa introductory call ng huli sa Phil. Navy Headquarters, kahapon.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, tinalakay ang mga planong panghinaharap sa pagitan ng mga pwersa ng dalawang bansa, partikular sa larangan ng modernisasyon at Maritime Cooperative Activities (MCA).

Sinabi ni Rear Adm. Ezpeleta na inaasahan ng Phil. Navy ang mga susunod pang interaksyon sa French Navy. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us