PhilHealth, aalisin na ang single confinement policy bago matapos ang Setyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma Jr. na buburahin na nila ang kanilang single confinement policy bago ang katapusan ng Setyembre.

Sa ilalim ng single confinement policy, isang beses lang mababayaran ang pagka confine sa ospital ng isang pasyente kahit pa muli itong ma-confine sa loob ng 90 araw.

Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Health, ipinunto ni Committee Chairperson Senator Christopher ‘Bong’ Go, na hindi makatwiran ang polisiyang ito dahil hindi naman mapipigilan ang anumang sakit na bumalik sa loob ng 90 days period gaya na lang aniya ng pneumonia, bleeding ng buntis o kaya ay diarrhea.

Nag commit rin si Ledesma na magpapatupad ang PhilHealth ng pagtaas sa benefit packages bago ang katapusan ng Nobyembre 2024, at maisasama naman ang dental services sa benefit packages bago ang katapusan ng December 2024. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us