Naghahanda na ang Philippine Embassy para sa inaasahang paglikas ng mga Pilipino dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanon.
Kaugnay nito nagpulong ang embahada kasama ang DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Affairs, Office of Middle East and African Affairs, at Philippine Embassy sa Lebanon upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon sa Israel at Lebanon.
Pinag-usapan din sa meeting ang paghahanda at mga kinakailangang tugon upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan na nasa nasabing mga bansa.
Kumikilos na rin ang DMW at OWWA para sa agarang tulong sa mga kababayang apektado ng kaguluhan sa Lebanon. | ulat ni Lorenz Tanjoco