Inilbas ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang isang urgent advisory matapos ang sunod-sunod na pagsabog noong Setyembre 17 at 18, 2024 na naganap sa timog na bahagi Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.
Sinasabing gumamit ng mga communication device na pager ang mga salarin bilang pampasabog na kumitil ng 11 buhay at nag-iwan ng mahigit sa 2,800 sugatan.
Nangyari ang mga pagsabog sa harap ng tumitinding hidwaan ng Israel at Iran-backed Hezbollah kaugnay ng giyera ng Israel laban sa Hamas sa Gaza.
Kaya naman mahigpit na pinapayuhan ang lahat ng Pilipino ng Emabahada roon na isaalang-alang ang pag-alis sa Lebanon habang may mga commercial flight pang available sa kasalukuyan. Habang sa mga pinipili namang mananatili sa lugar ay hinihikayat ang mga ito na mag-ingat nang husto, kasama ang pagiging mapagmatiyag at pag-iwas sa mga malalaking demonstrasyon o pagtitipon gayundin ang paghahanda ng mga mahahalagang dokumento tulad ng pasaporte at iqama, kasama na rin ang pananatiling updated sa mga lokal at international na mga balita.
Para sa nais magpalista sa boluntaryong repatriation, pinapayuhan ang mga Pilipino na magparehistro sa link na ibinigay ng Embahada at manatiling makipag-ugnayan sa kanila at Migrant Workers Office.
Para sa tulong, maaaring ma-contact ang Embahada a hotline na 70 858 086, o sa Migrant Workers Office sa 79 110 729.| ulat ni EJ Lazaro