Philippine Red Cross, nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Bacoor, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na sumiklab sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Sa tala ng PRC Cavite Chapter, mahigit 400 pamilya o mahigit 1,600 na indibidwal ang pansamantalang naninirahan sa 16 na evacuation centers sa Bacoor City.

Agad na nagpadala ang PRC ng mga welfare desk, water tanker, food truck, at mga boluntaryo para magbigay ng mainit na pagkain, malinis na tubig, at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente.

May mga doktor at nars din na ipinadala para masiguro ang kalusugan ng mga evacuee.

Tiniyak ng PRC na ginagawa nila ang lahat upang matulungan ang mga biktima ng sunog na makabangon mula sa trahedya.

Matatandaang umabot ng 5th alarm ang nasabing sunog sa Brgy. Talaba 2 at Brgy. Zapote 3 sa Bacoor City na nagsimula bandang alas-12:05 ng tanghali kahapon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us