Itinakda na sa Huwebes, Setyembre 26, ang 2024 Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ngayon pa lang nanawagan na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa lahat ng sektor na makilahok sa aktibidad.
Nilalayon nito na magkaroon ng sapat pang kaalaman at kamalayan ang publiko sa oras na magkaroon ng malakas na lindol.
Sasanayin din ang mga ito sa wastong pag-obserba ng ‘Duck, Cover and Hold’ at maayos na evacuation.
Ang NSED ay ginagawa kada quarter ng taon na pinangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) para maging laging handa ang mga tao sa anumang darating na sakuna. | ulat ni Rey Ferrer