Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang suporta mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre, kapwa tiniyak nito na nananatili ang presensya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Sa resupply mission nito lamang linggo, dinalhan ng mahahalagang suplay ang mga personnel na nakatalaga sa BRP Sierra Madre kasabay ng pagsasagawa rin ng pagpapalit ng mga tropang nakaistasyon doon.
Binigyang-diin naman ng AFP ang kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapanatili sa kanilang mandato sa West Philippine Sea at pagtitiyak sa kapakanan ng kanilang mga puwersa sa lugar. | ulat ni EJ Lazaro