Matagumpay na nailunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang pilot implementation ng online platform para sa renewal ng driver’s license sa Taiwan.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, humigit-kumulang 500 Overseas Filipino Workers (OFWs)ang nagpakita sa unang araw ng implementasyon at kabuuang 200 sa kanila ang nag-avail ng digital services.
Pinasimulan ang pilot implementation ng online renewal ng drivers license kahapon, Setyembre 21 at matatapos ngayong araw.
Sinabi pa ni Mendoza na ang mabilis at komportableng serbisyo para sa renewal ng drivers license ang pangunahing layunin ng programa.
Naaayon ito sa adbokasiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing digitalize ang lahat ng serbisyo ng gobyerno sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Target pa ng LTO na dalhin sa Estados Unidos at iba pang bansa sa Europa ang nasabing programa.| ulat ni Rey Ferrer