Nagbenta ng “ginto” ang Bangko Sentral ng Pilipinas bilang bahagi ng kanilang management strategy upang patatagin ang gross international reserves (GIR) ng bansa.
Sa statement na inilabas ng BSP, sinabi nito na sinamantala nila ang mataas na halaga ng “gold” sa merkado para sa karagdagang income.
As of August 2024, nanatiling matatag ang GIR ng Pilipinas na nasa US$107.9 billion bilang reserba ng bansa kumpara sa P103.8 billion noong December 2023.
Ang GIR level ay sumasalamin sa external liquidity buffer ng bansa, sapat para sa 7.8 month na halaga ng imports of goods and payments or services and primary income.
Katumbas din ito ng anim na beses na short term external debt.| ulat ni Melany V. Reyes