Pinal na ‘security survey’ sa AFP, sinimulan na ng Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng United States Defense Technology Security Administration (DTSA) at U.S. Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ang pinal na “security survey” sa mga piling unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang Security Assistance Visit (SAV) ay kritikal na bahagi ng pagsasapinal ng General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang inspection team ng Estados Unidos na pinangunahan ni Mr. Steve James ng DTSA ay malugod na tinanggap ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Magsasagawa ang inspection team ng pagsusuri sa security practices ng AFP, partikular sa information security, physical security, computer security, at security training, kung tumutugma sa “security standards” na kailangan sa pag-handle ng sensitibong impormasyong militar.  | ulat ni Leo Sarne

📸: TSg Obinque/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us