Lumobo pa sa ₱600-million ang naitala ng Department of Agriculture (DA) na halaga ng pinsalang idinulot ng habagat at ng bagyong Ferdie sa sektor ng pagsasaka.
Sa datos ng DA-DRRM Operations Center, nasa higit 11,000 ektarya ng sakahan ang nasalanta kung saan nasa 24.69% ang wala nang tyansang maka-recover pa.
Karamihan ng pinsala ay naitala sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Nasa 55 din ang namatay sa livestock at poultry sector habang may pinsala ring naiulat sa high value crops.
Aabot na rin sa 11,170 na mga magsasaka ang naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa kalamidad.
Wala pa namang naiulat na pinsala ang DA sa pagtama ng bagyong Gener at Helen.
Kasunod nito, tiniyak ng DA na nakikipag-ugnayan na ito sa mga apektadong LGUs para sa agarang paghahatid ng tulong sa mga nasalantang magsasaka.
Inihahanda na rin ng DA ang assistance nito gaya ng mga binhi, planting materials at bio-control measures; at Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC). | ulat ni Merry Ann Bastasa