Lumobo pa sa P659-M ang halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura, ayon yan sa Department of Agriculture.
Sa pinakahuling assessment report ng DA-DRRM Operations Center, naitala ang pinsala sa mga sakahan Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas
Katumbas ito ng higit 22,309 na ektarya ng agricultural areas o production loss na 28,788 metriko tonelada.
Pinakaapektado pa rin ang rice sector na aabot sa higit 20,000 ektarya o katumbas ng P624-M halaga ng pinsala.
Kaugnay nito, aabot naman sa 27,598 na mga magsasaka ang naapektuhan ng Bagyong Enteng.
Ongoing pa rin ang validation at assessment ng DA sa pinsala sa agriculture at fisheries sector.
Kaugnay nito, inihahanda naman na ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at farm tools.
Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy. | ulat ni Merry Ann Bastasa