PITX, wala nang naitalang kanselasyon ng biyahe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maayos ang kasalukuyang itinatakbo ng mga biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy na sama ng panahon dahil naman sa hagupit ng habagat.

Ayon kay Kolyn Calbasa, Corporate Communications Officer ng PITX, wala pa silang naitatala o namo-monitor na kanselasyon ng biyahe ng bus sa kanilang terminal magpa hanggang sa ngayong oras na ito.

Giit nito, agad nilang isasapubliko sakaling may magkansela ng biyahe ngayong araw sa nasabing terminal.

Matatandaang umabot din sa mahigit 10 ang nakanselang biyahe sa PITX noong kasagsagan ng bagyong Enteng sa Metro Manila. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us