Inaasahang bibisita sa Pilipinas bukas, ika-3 ng Setyembre, si Polish Foreign Minister Radoslaw Sikorski para sa isang state visit nito na magtatagal hanggang sa araw ng Huwebes, ika-5 ng Setyembre.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisitang ito ni Sikorski sa bansa ay ang kauna-unahang standalone visit ng isang Polish Foreign Minister at nataon sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Poland.
Si Minister Sikorski, na nauna nang bumista sa bansa noong 2006 bilang Defense Minister, ay makikipagpulong kay Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo kung saan tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng kanilang bilateral na ugnayan at magpapalitan ng pananaw sa mga mahahalagang isyung rehiyonal at pandaigdigan.
Maliban dito ay makikipagpulong din ang Polish Minister sa iba pang matataas na opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang sinasabing pagbisita rin ni Sikorski ay bahagi ng mas malawak pa na official travel nito sa Timog-Silangang Asya. | ulat ni EJ Lazaro