Nanawagan ngayon si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na buhusan ng pondo ang child protection initiatives ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pag-amin mismo ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na kulang ang hakbang ng pamahalaan para puksain ang paglaganap ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Ani Brosas maaaring ilipat ang pondo ng confidenrial at intelligence fund sa operasyon ng Special Protection of Children sa ilalim ng DOJ.
Sa ilalim aniya ng 2025l National Expenditure Program, pinaglaanan ito ng P10.7 million na pondo.
Makakatulpng aniya ang budget increase sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya lara maibigay ang hustisya sa mga biktima.
“We need concrete actions and adequate funding to protect our children from online sexual abuse and exploitation.A lot of things need to be done, including upgrading latest technology and other processes to ensure justice for the victims.” Ani Brosas
Sa ginanap na summit kontra OSAEC nitong lunes ay napaluha ang Pangulo matapos mapakinggan ang mga karanasan ang biktimang ng panga-abuso.
Inatasan na ni PBBM pangulo ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na palakasin pa ang paghabol at pagpapanagot sa mga nasa likod ng ganitong krimen matapos na rin mabansagan ang Pilipinasbilang epicenter ng OSAEC. | ulat ni Kathleen Forbes