Nagpaabot ng donasyon ang Migrant Forum in Asia (MFA) sa Philippine Red Cross (PRC) na nagkakahalaga ng mahigit ₱70,000.
Ayon sa PRC, ito ay gagamitin para sa kanilang mga relief at recovery operation para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Carina at nakalipas na kalamidad.
Lubos ang pasasalamat ni PRC Chairman Richard Gordon para sa tulong ng MFA at tiniyak na ang donasyon ay gagamitin upang mas marami pang Pilipino ang matulungan na makabangon mula sa hagupit ng mga nakalipas na kalamidad.
Ang MFA ay isang samahan ng mga non-government organizations na mayroong layunin isulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga migrant workers. | ulat ni Diane Lear