Walang inaasahang pagtaas sa presyo ng sibuyas, karne ng baboy at manok ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa, maganda ang presyo ng pulang sibuyas ngayon dahil sa katatapos na harvest noong nakaraang season.
Mahigit sa 40 porsyento ng area ang tumaas ang harvest at posibleng tumagal pa ang suplay hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
Asahan naman ang dahan-dahan na pagdating ng anim na libong metric tons ng inangkat na puting sibuyas hanggang Disyembre.
May harvest pang inaasahan ang DA sa huling quarter ng taon hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
Samantala, may nakitang bahagyang pagbaba sa presyo ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) pero unti-unti nang bumabalik ang prevaling price at suplay nito.
Nakaprograma na rin ang importasyon ng karneng baboy, baka at manok para sa panahon ng kapaskuhan.| ulat ni Rey Ferrer