Inaasahan ng mga nagtitinda ng bigas sa Mega Q-Mart na mas lalo pang bababa ang presyo ng kanilang panindang bigas sa mga susunod na araw.
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng bentahan ng local at imported rice.
Sa Mega Q-Mart, may mabibili nang ₱45 na kada kilo ng well-milled rice habang ₱50 naman ang pinakamababang presyo para sa kada kilo ng imported rice.
Ayon sa ilang nagtitinda, nasa ₱1 hanggang ₱3 na ang ibinaba ng presyo ng bigas kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.
Posible ring mas bumaba pa ito sa oras na humakot na sila ng panibagong stock ng bigas sa susunod na linggo.
Dahil dito, kumbinsido naman ang mga nagtitinda na may epekto na sa presyuhan ang pinairal na EO62. | ulat ni Merry Ann Bastasa