Presyo ng bigas sa merkado, patuloy na bumababa — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam sa mga pamilihan sa Metro Manila ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng bigas.

Naobserabahan ito ng Department of Agriculture (DA) sa ikinasa nitong market visit sa pangunguna ni DA Assistant Secretary for Consumer Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, kung saan nakasama sina House Speaker Martin Romualdez, ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, at mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), at Philippine Rice Industry stakeholders Movement (PRISM).

Sa pag-iikot ng mga opisyal sa Guadalupe Market, Farmers Market, at Nepa Q-Mart, mayroon nang available na well-milled rice sa halagang ₱45 per kilo.

Inaasahan pa ng DA na bababa sa hanggang ₱42 ang kada kilo ng bigas kasunod ng patuloy na ipinatutupad na tapyas taripa sa imported rice.

Una na ring sinabi ng DA na target nitong maibaba sa single-digit ang rice inflation.

Kasunod nito, tiniyak naman ng kagawaran ang karagdagang farm inputs na ipinamamahagi sa mga magsasaka para mapaangat ang kanilang produksyon.

Bukod pa rito ang mga programa para sa consumers gaya ng ₱29 rice program at ang “Rice-for-All” program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us