Patuloy na bumababa ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, bumaba ng hanggang ₱10 ng iba’t ibang bilihin partikular na sa karne ng manok bunsod na rin ng mataas na suplay habang epekto pa rin ng African Swine Fever (ASF) ang sa baboy.
Ang manok ay nasa ₱200 ang kada kilo ng whole dressed chicken, habang ₱210 naman ang kada kilo sa choice cuts.
Sa baboy naman, nasa ₱320 ang kada kilo ng kasim habang nasa ₱370 naman sa kada kilo ng liempo.
Para naman sa presyo ng isda, ang Tilapia at Maya-maya ay kapwa nasa ₱100 ang kada kilo, ang Hito at Tulingan kapwa nasa ₱150 ang kada kilo, habang ang Bangus ay nasa ₱200 ang kada kilo, at ang Galunggong ay nasa ₱210 ang kada kilo.
Nananatili namang mahal ang presyo ng Bawang na nasa ₱140 ang kada kilo, Sibuyas na nasa ₱100 ang kada kilo, at Carrots na nasa ₱90 ang kada kilo.
Habang nananatili namang mura ang presyo ng Kamatis na nasa ₱60 ang kada kilo, gayundin ang Patatas at Repolyo na kapwa nasa ₱50 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala