Bumaba ang presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, pumapalo na sa ₱215 hanggang ₱225 ang presyo ng kada kilo ng manok sa whole dressed at choice cuts.
May kamahalan pa rin ang presyo ng karneng baboy kung saan, ₱300 ang kada kilo ng kasim, habang nasa ₱340 ang kada kilo ng liempo.
Habang nananatiling mataas pa rin ang presyo ng kada kilo ng karne ng baka na nasa ₱450 ang kada kilo.
Sa isda naman, walang pagbabago ang presyo ng galunggong na nasa ₱180 hanggang ₱200 ang kada kilo depende sa laki.
Gayundin ang bangus na naglalaro sa ₱160 hanggang ₱220 ang kada kilo depende rin sa laki habang ang tilapia ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Samantala, sa presyo ng ilang gulay, nananatiling mahal ang presyo ng siling labuyo na nasa ₱380 ang kada kilo, bawang ay nasa ₱150 ang kada kilo, sibuyas ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Gayundin sa ampalaya na nasa ₱130 ang kada kilo, habang ang carrots naman ay nasa ₱100 ang kada kilo.
Nananatiling mura naman ang presyo ng kamatis sa ₱80 ang kada kilo, gayundin ang repolyo at pechay Baguio na kapwa nasa ₱60 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala