Presyo ng pandesal sa Marikina, nagtaas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napilitan nang magtaas ng kanilang panindang pandesal ang mga community bakery sa Marikina City.

Ito’y dahil sa mahal na rin ang presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay partikular na ang harina, mantikilya, gayundin ang LPG na ginagamit naman sa pagluluto nito.

Kaya naman nasa ₱2.50 na ang bentahan ngayon ng kada piraso mula sa dating ₱2 at ginagawan na lamang ng diskarte para mabenta pa rin.

May ilang panadero na nilalagyan ng malunggay ang kanilang nilulutong pandesal habang ang iba ay pinapalamanan ng keso upang makadagdag sa lasa.

Habang may ilan naman na doble ang itinaas ng kanilang tinapay sa ₱5 mula sa dating ₱2.50 at nilalakihan gayundin ay mas sinisiksik pa ang laman nito.

Aminado ang mga nagtitinda ng tinapay na bahagi ito ng kanilang marketing strategy ng mga panadero upang makapagtaas sila ng presyo ng kanilang paninda.

Dahil kung hindi nila gagawin ito, tiyak na ikalulugi nila at gutom ang kanilang aabutin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us