Preventive evacuation, ongoing na sa Canlaon City — DSWD Central Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) 7 – Central Visayas sa nagpapatuloy na preemptive evacuation sa Canlaon City sa gitna ng mataas na aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Oriental.

Sa report kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ni Central Visayas Regional Director Shailane Marie Lucero, mayroon nang 88 pamilya o 248 indibidwal ang lumikas at kasalukuyang nasa tatlong magkakahiwalay evacuation centers.

Sa Barangay Masulog, 65 pamilya o 204 katao ang nag-evacuate na sa Masulog High School.

Sa Barangay Malaiba, 10 pamilya naman o 31 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Malaiba Elementary School habang tatlong pamilya naman o 13 katao mula sa Barangay Pula ang nasa Pula Elementary School.

Ayon kay FO-7 RD Lucero, mabilis na kumilos ang quick reaction team (QRT) sa Negros island matapos ang magkakasunod na pagbuga ng usok sa Mt Kanlaon.

“I am reaching out to the Canlaon City mayor, Negros Oriental governor and Cong Joselyn (Limkaichong) to assure then of our preparedness for disaster response and augmentation of relief items,” sabi ni RD Lucero sa kanyang report kay DSWD Secretary Gatchalian.

Samantala, nakahanda na rin ang DSWD FO 6-Western Visayas na may mga nakapreposyson nang family food packs sa Bacolod City, at sa iba’t-ibang warehouses sa mga lugar sa Negros Occidental.

Sa Canlaon City, halos 7,000 kahon ng FFPs ang nakaantabay bukod pa sa non-food items tulad ng hygiene, family, kitchen, sleeping kits at modular tents. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us