Nagpasalamat ang Police Regional Office 11 sa tiwalang ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging matagumpay ng ikinasa nilang operasyon.
Ito’y para tuluyan nang malaglag sa kamay ng batas si Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang apat pang kapwa akusado nito sa mga kasong Child at Sexual Abuse gayundin sa Qualified Human Trafficking.
Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame kahapon, binigyang-diin ni Davao Regional Police Chief, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na umabot na sila sa sukdulan sa loob ng dalawang linggo nilang operasyon.
Marami aniya silang ikinonsidera para matiyak na magiging mapayapa ang paghahain nila ng Warrant of Arrest subalit napakaraming balakid ang dumating sa kanila.
Una rito, pinapurihan ng Pangulo ang PNP sa pagtalima nito sa kaniyang utos na huwag umalis sa KOJC compound hangga’t hindi nila hawak si Quiboloy at mga kapwa akusado nito. | ulat ni Jaymark Dagala