Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development ang naitulong ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng President Roxas at Carmen sa Cotabato.
Ayon sa DSWD, napalago ang lokal na ekonomiya ng mga nasabing bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga magsasaka para mapaunlad ang agrikultura.
Karamihan sa mga benepisyaryo ng programa ay mga magsasaka na nag-ooperate ngayon ng community gardens sa kanilang lugar.
Ang harvest sa mga pananim ay naibebenta ng mga ito sa lokal na pamilihan.
May 313 residente sa bayan ng President Roxas at 775 naman mula sa bayan ng Carmen ang lumahok sa cash-for-work at cash-for-training sessions ng Project LAWA at BINHI.
Ang Project LAWA at BINHI ay dinesenyo para sa agricultural productivity sa panahon ng tagtuyot at upang magamit din ang sobrang tubig sa panahon naman ng tag-ulan o La Niña. | ulat ni Rey Ferrer