Magtutulungan ang Philippine Statistics Authority at GoTyme Bank Corporation para sa colocation strategy sa mobile registration activities ng National ID system.
Layon nitong higit pang isulong ang financial inclusion sa mga unbanked Filipinos na nakarehistro sa National ID system upang magbukas ng bank accounts ng libre sa GoTyme Bank.
Kasama sa registration activities ang PhilSys on Wheels, PhilSys on Boat, at house-to-house registration.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, ang pakipagpartner sa GoTyme Bank ay isa lamang sa maraming inisyatiba ng PSA para sa financial inclusion.
Nauna nang nakipagpartner ang PSA sa Land Bank of the Philippines para sa colocation sa mga National ID registration centers.
Gayundin sa Dungganon Bank Incorporated, isang microfinance rural bank sa Bacolod City, Negros Occidental. | ulat ni Rey Ferrer