PSA, inaaral na ang magiging epekto ng kanselasyon ng Filipino Birth Certificate ni Alice Guo sa mga sinolemnize na kasal bilang alkalde

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa proseso na ang Philippine Statistitics Authority (PSA) sa pagtukoy kung mayroon bang mga sinolemnize na kasal si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagsalang ng panukalang budget ng PSA sa plenaryo isa sa natanong ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ay kung may magiging epekto ba sa validity ng kasal na in-officiate ni Guo gayong hindi pala siya Pilipino.

Batay kasi sa batas maituturing na void o walang bisa ang kasal kung wala namang awtoridad ang nagkasal.

“Matatandaan po natin na naging mayor po siya, and isa sa mga kapangyarihan po ng mayor ay ang pag-solemnize ng mga marriages…naputunayan na nga po na hindi Pilipino si Mayor Alice Guo…ano po yung epekto nito sa mga marriages na isinolemnize niya? Kasi nga nakalagay po sa ating batas na kung walang authority to solemnize ang isang solemnizing officer sa isang kasal, void po ang kasal,” ani Abalos.

Paliwanag ni PSA National Statistician Dennis Mapa, ayon sa kanilang legal team, hindi naman agad mawawalang bisa ang naturang kasal kung ito naman ay in good faith lalo at ngayon lang naman lumabas na hindi Pilipino si Guo.

“…Yung mga lawyers namin hinahanap nila kung ano magiging effect. Kasi may sinabi sila na provision na ‘in good faith’ naman, not necessarily. So una muna, hindi pa kasi natin alam kung ilan talaga yung kinasal niya. So yun yung ginagawa ngayon ng aming team. Tinitingnan ilan ba yung marriages na si Mayor Alice…baka naman wala,” wika ni Mapa.

Sa ngayon uunahin muna aniya nila ang pagkansela sa Birth Certificate ni Guo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us