Muling nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko laban sa mga post sa social media na nag aalok ng cash assistance sa mga Pilipinong may National ID.
Sa kanilang official statement, sinabi ni National Statistician and Civil Registrar General,
Undersecretary Claire Dennis Mapa, hindi awtorisado ang mga post at walang kinalaman ang ahensya.
Nilinaw nito na hindi sila nagbibigay ng anumang cash asssistance o financial incentives.
Ang pagpaparehistro sa National ID system, na magbibigay ng valid proof ng identity sa mga Pilipino, ay libre at hindi kasama ang monetary compensation o financial assistance.
Paalala pa ng PSA sa publiko na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal o grupo sa likod ng mga post na ito at iwasan ang mag-aplay para sa inaalok na cash assistance.
Sa halip, hinikayat ang publiko na magsumbong sa PSA sa pamamagitan ng official channel ng National ID. | ulat ni Rey Ferrer