Malapit nang maisapinal ang kasunduan sa pagitan ng PTV-4 at Japan International Cooperation Agency para sa modernisasyon ng government TV network.
Sa budget briefing sa Kamara, ibinahagi ni Communications Secretary Cesar Chavez na para maisakatuparan ang paglipat ng PTV sa digital mula analog ay papasok ito sa isang ₱6-billion loan agreement kasama ang JICA.
Sa paraang ito madi-digitize na ang lahat ng PTV stations sa iba’t ibang panig ng bansa lalo at marami aniya sa regional stations ang wala o luma na ang transmitter.
Bahagi rin aniya ng modernisasyon ang pagkakaroon ng regional disaster warning device.
Dito, depende sa geographical location ng kalamidad gaya ng bagyo o lindol, ang regional channel ng PTV aniya ang magsasagawa ng angkop na broadcast para ianunsyo ang babala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes