Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreanong pugante na wanted sa kaso ng fraud sa kaniyang bansa habang nagpoproseso ito ng kanyang bagong pasaporte sa mismong tanggapan ng BI sa Intramuros, Maynila.
Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang 56-anyos na Koreano na sinasabing pinaghahanap ng mga awtoridad sa South Korea magmula pa noong 2021 na tumangay ng higit sa isang milyong dolyar sa pamamagitan ng mga pekeng loan application. Nakalista rin ang pangalan nito sa red notice ng Interpol.
Nahaharap ngayon sa deportation ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig, habang hinihintay ang karagdagang legal proceedings kaugnay nito.| ulat ni EJ Lazaro